Ni: Dave Calpito
Isa pang mabisang paraan para madaling makahanap ng trabaho online -- tried and tested ng manunulat -- ay ang manila.craigslist.org.
Dito, makakahanap ka ng mga employers na naghahanap ng kani-kanilang mga empleyado -- kadalasan ay mga freelancers online.
Mga Kategorya
Ilan lamang sa mga kategorya ng mga trabaho rito ay: web / info design; pagsusulat / pag-e-edit; edukasyon; teknikal na suporta; at marami pang iba.
Ang kailangan lang ay bisitahin ang nasabing website, tingnan ang mga posting at mag-send ng mensahe sa mga empleyado.
Maigi ring gumawa ng sariling account para makapag-post din nang libre ng iyong serbisyong ini-o-offer.
Babala lang: Mag-ingat sa mga scammers. Kadalasang ginagawa ng inyong lingkod ay: Inire-request sa kliyente na arawan sila kung magbayad, via PayPal o kung saanmang portal, o 'di naman kaya ay advance sila magbayad para sigurado kang mabayaran. Good luck!