Ni: Dave Calpito
Nag-iisip ka ba ng mga maaari mong panregalo sa mga bata na siguradong angkop at maganda kahit sa mga batang nasa formative years pa lang?
Sa post na ito, maglilista tayo ng mga pwede mong bilhing panregalo sa kanila.
Puzzle games
Sa pamamagitan ng laruang ito, nahuhubog ang ang talino pati na ang focus ng isang bata. Isa pa, nasusukat at nasasanay din ang pagiging madiskarte ng bata. Siguradong matutuwa pati ang mga magulang ng bata.
Librong pambata
Kapag magreregalo tayo, siguraduhing iyon nang nakatutulong para mahasa ang husay at talino ng isang bata, kagaya ng mga librong pambata, kagaya ng storybooks.
Board games
Bukod sa talino ang nahuhubog ng regalong ito, nahahasa rin nito ang istratehiya ng isang bata. Iyon nga lang, siguraduhin ding ang board games na ireregalo ay swak sa edad ng bata.
Piggy bank o Cash box
Sa regalo namang ito, natututo ang batang mag-impok ng pera. Ito'y para sa murang edad pa lang, naituturo na sa bata ang pag-iipon ng pera.
Ilan lang ang mga ito sa mga magagandang panregalo sa mga bata. Iwasan mong bumili ng mga toy weapons, paputok, toy guns, pati na ang electronic gadgets. Sa halip, ang bibilhing panregalo ay iyong siguradong makatutulong sa paghubog sa magandang pagkatao ng batang reregaluhan.