Paano Magsulat ng Balitang Sports? Tips Kung Paano Gumawa ng Summary / Conventional Lead at Key Play Lead

Dalawa sa pinaka-komon na uri ng lead sa balitang isports ay ang Summary o Conventional Lead at Key Play Lead.

paano magsulat ng balitang isports

Kung sasali ka sa kumpetisyon sa balitang isports, halimbawa sa isang press conference, o naghahanap ka ng guide paano magsulat ng balita, partikular ang balitang isports, basahin mo itong artikulong ito.

Paano Gumawa ng Summary / Conventional Lead?

Ang uring ito ng lead ay ang pinaka-komon sa lahat. Madalas mo itong makikita sa mga balitang isports sa pahayagan. May mga tanong itong sinasagot, kagaya ng mga sumusunod: 1) Anong team ang nag-kampeon; 2) Anong team ang tinalo?; 3) Ano ang iskor ng laro; 4) Saan at kailan isinagawa ang laro?

Naririto ang isang halimbawa ng lead sa nasabing uri:

Naungusan ng (Pangalan ng Team A) ang (Pangalan ng Team B), 92-70, sa kanilang unang paghaharap sa Intramurals 2023 sa Lallo Gymnasium, Setyembre 1.

Mapapansing sa nasabing halimbawang lead sa itaas, sinasagot nito ang mga tanong na nabanggit natin sa itaas. Kung ikaw ay nagsisimula sa sports writing, ito ang pinakamadaling gawin.

Paano Gumawa ng Key Play Lead?

Dito naman, nakapokus ang lead sa pinaka-exciting na bahagi ng isinagawang laro. Maaari rin nitong tinatampok ang pinakamahalaging bahagi ng laro na naging dahilan kung bakit nanalo ang isang koponan laban sa kalaban.

Naririto ang isang halimbawa:

Nagpakawala ang San Miguel Beermen ng sunud-sunod na three-point shots sa pangalawang bahagi pa lang ng laro laban sa Blackwater Bossing, dahilan para masiguro ng Beermen ang panalo, 92-70, sa main game ng Honda PBA Governor's Cup 2023 sa MOA Arena, Pasay City, kahapon.

Kung mapapansin, gumagamit ang balitang isports ng maaaksyong mga salita, na isa sa pinakamahalagang elemento ng balitang isports. Mapapansin ding sa simula pa lang ng lead, gumagamit na tayo ng maaksiyong salita para gawing mas exciting at mas maaksiyon ang iyong balitang isports.

Tandaan na dalawa pa lang ito sa mga magagandang gamiting uri ng lead kapag nagsusulat ng balitang isports. Sa pamamagitan ng consistent practice, siguradong matututo ka sa paggawa ng balitang isports, o 'di naman kaya ay mananalo ka sa isang kumpetisyon.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section