Paano Gumawa ng Balita: Paano Sulatin ang Punch Lead?

Ni: Dave Calpito

Sa mga nagsisimula pa lang matuto kung paano magsulat ng balita sa Filipino, ang pinaka-ginagamit na uri ng lead ay ang Summary Lead.

paano gumawa ng balita

Ngunit, bukod doon, marami pang mga uri ng lead na pwede mong gamitin. Layunin ng lead na mahikayat ang iyong mambabasa na basahin at tapusin ang iyong buong balita.

Kahit gaano kadetalyado at kaganda ang kabuuan ng iyong balita kung hindi naman epektibo ang iyong lead, mawawalan ito ng saysay, dahil hindi lang din ito babasahin ng mga mambabasa. Madalas din, kapag nasa kumpetisyon ka, lalo na kapag marami kayong mga kalahok, ang pinaka-unang binabasa ng mga hurado, bukod sa headline, ay ang lead ng iyong balita.

Sa artikulong ito, matututunan mo kung paano nga ba ginagawa ang punch lead -- isa sa mga paborito kong uri ng lead.

Kung nanonood ka ng mga video sa YouTube channel ng sikat na mamamahayag sa telebisyon at isa ring propesor sa Unibersidad ng Pilipinas na si Kara David, isa ang punch lead sa mga naitampok niyang mga uri ng lead.

Ika niya, ang punch lead ay isang pangungusap o isang linya sa simula ng balita na "may sipa" -- ibig sabihin nito ay nakaka-engganyo o nakakatakaw ng pansin sa mambabasa.

Pero, siguraduhin na mayroon ka ring nut graph na tinatawag na kahalintulad ng Summary Lead kasunod ng "punchy line o sentence" upang magbigay-konteksto at magbigay-buod sa iyong istorya. Laman nito dapat ang 5Ws at 1H: What, Where, When, Why, Who at How.

Halimbawa ng Punch Lead at Nut Graph

Upang mas malinaw, magbigay tayo ng ilang mga halimbawa.

Sa wakas, matutuldukan na ang matagal na pag-aantay ng Apple fanatics.

Ito ay matapos ilabas ng kumpanya ang pinaka-latest model nito ng iPhone sa nakaraang Unveiling New iPhone event na isinagawa sa Steve Jobs Theater sa Cupertino, California kahapon.

Dito sa halimbawang lead na ito, ang punch lead ay ang unang pangungusap: "Sa wakas, matutuldukan na ang matagal na pag-aantay ng iPhone fanatics." 

Ang sumunod namang pangungusap ay ang tinatawag na nut graph.

Isa pang halimbawa:

Tuloy ang shopping at saya! 

Ito ay matapos buksan sa Tuguegarao City kahapon ang pinakabagong JJ mall na dinaluhan ng ilang mga sikat na personalidad at dinumog ng libu-libong mga tao sa loob at labas ng lungsod.

Ang highlighted na mga salita ay ang punch lead at ang sumusunod naman na pangungusap na nagbibigay-detalye ay ang tinatawag na nut graph.

Sana ay nakatulong ang artikulong ito sa inyo tungkol sa kung pano gumawa ng balita. Basahin din ang ibang mga artikulo na kaugnay nito. I-share din ito sa iyong mga kakilala sa iyong social media accounts.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section