Dave Calpito
Madalas na tanong sa atin ng mga kakilala natin sa Pilipinas: Sulit ba ang paglipat niyo sa Canada?
Well, dahil isang taon pa lang kami rito sa Canada, medyo hindi pa natin fully masasagot ang tanong.
Pero so far, mukhang good decision naman. May tatlong rason diyan kung bakit nasabi kong, in general, sulit ang paglipat namin dito sa Canada.
Una: Libre ang healthcare. Makikita mo talaga na sulit ang tax dito sa Canada, dahil sa universal healthcare. Sa karanasan ko, sa pagpapa-doktor sa mga anak ko rito sa Canada, libre ang pagpapa-ospital, pati x-ray at kung ano mang procedure na gagawin sa iyo. Ultimong gamot, libre mo ring makukuha sa pharmacy, but not all. Top notch din ang facilities nila rito. Iyon nga lang, dahil libre ang healthcare, medyo matagal ang antayan. Pero kapag emergency naman talaga at tumawag ka ng ambulansiya, wala pang limang minuto, andiyan na sila. So, okay ang Emergency Medical Service dito.
Pangalawa, libre ang public schools nila dito pati school bus. Maganda rin ang kalidad ng education nila rito -- maganda ang facilities, maganda ang sistema. Multicultural din ang mga estudyante.
Ikatlo, napakaayos ng sistema ng transportasyon dito (bus system, for example), kung anong oras ang nakalagay sa app na dating ng bus, iyon ang dating. Makikita mo talaga ang kaibahan kapag nandito ka na. Kapag pumunta ka rin sa Government Officers, halimbawa kapag magpaprocess ka ng registration ng sasakyan, kukuha ka ng TIN, walang singitan, walang palakasan. Ambilis nang proseso. Hindi mo mahahalata, sino ang mayaman, at sino ang hindi.
Sa mga ganitong aspeto, masasabi kong sulit na sulit ang Canada para sa aking pamilya.