Electrical Installation and Maintenance NC II Course sa e-TESDA, Libreng Ini-o-Offer: Mga Benepisyo

Interesado ka bang i-pursue ang career mo sa electrical installation and maintenance? Gusto mo bang matutunan ang mga kasanayan at kaalaman hinggil sa field na ito nang hindi gumagastos? Good news, dahil offered nang LIBRE ang Electrical and Installation Maintenance NC II ng e-TESDA.

Sa comprehensive free TESDA online course na ito, matututunan mo ang lahat ng mga kailangan mong malaman para maging skilled electrical installation and maintenance professiona, mula sa basics ng electrical circuits and wiring hanggang sa advanced topics kagaya ng electrical design at project maintenance. Sa pamamagitan ng e-TESDA online course na ito, matututo ka base sa iyong sariling schedule, lalo na kung busy ka sa trabaho, pag-aaral, o sa iba pang mga bagay.

Naririto ang ilang mga benepisyo sa pag-e-enroll sa kursong ito:  

1) Industry-recognized certification -- Kapag natapos mo ang TESDA online class na ito, makakakuha ka ng nationally recognized na certification na siyang magiging daan para sa magagandang oportunidad para sa iyo.

2) Mas magandang job prospects -- Sa pamamagitan ng mga kaalaman at kasanayang matututunan mo mula sa e TESDA online course na ito, magiging in-demand ka sa mga employer sa field na ito.

3) Increased earning potential -- Mas may tiyansa ring mas mataas ang iyong sahod sa pamamagitan ng mga natutunan mong skills at nakuha mong certification, na siyang magiging daan para makamit mo ang financial stability.

4) Convenience at Flexibility -- Ang e-TESDA online course na ito ay pwede mong kunin at pag-aralan sa ano mang oras at saanmang lugar.

Huwag palampasin ang oportunidad na simulan ang iyong career sa electrical installation and maintenance. Mag-enroll na sa Electrical and Installation Maintenance NC II (National Certificate II) free online course sa e-TESDA at simulang matutunan ang mga kaalaman at kasanayang kailangan mo para maging successful sa field na ito. Para mag-enroll, pumunta lang sa e-tesda.gov.ph, mag-sign-up at pwede ka nang magsimula sa online course na ito.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section