Shoe Care 101: Paano Mapanatiling Mukhang Bago ang Iyong Sapatos

Mahalaga ang role ng iyong sapatos sa pagpapaganda pang lalo ng iyong fashion look.

Kaya naman, kinakailangan ng wasto at maayos na pangangalaga sa iyong sapatos. Tandaan: isa sa mga maaaring makapagsabi kung sino ka ay ang iyong sapatos. Alamin muna natin ang mga benepisyo ng pagme-maintain ng iyong sapatos:


  • Palaging magmumukhang bago ang iyong sapatos.

  • Mas tatagal rin ang iyong sapatos kung naaalagaan ito.

  • Nakakadagdag din ng “glamour” sa iyo ang isang malinis at makintab na sapatos.

  • Siyempre pa, hindi ka mao-obligang bumili ng panibagong pares ng sapatos.


Ang mga ito naman ang kailangang isasaalang-alang sa pangangalaga ng iyong sapatos:


  1. Paglilinis ng sapatos. Kapag ginamit mo ito, siguraduhing linisan ito agad. Kung nakaimbak naman at ‘di madalas magamit, marapat lamang na punasan mo ang anumang alikabok na kumapit dito. Sa mga sapatos na mayroong sensitibong balat, kagaya ng suede at sheepskin, gumamit naman ng detergent para maalis ang dumi. ‘Pag merong mga aksesorya ang iyong sapatos, alisin ang mga ito at hiwalay itong lilinisan.

  2. Patuyuin ang sapatos. Ilagay ito sa isang lugar na mahangin. ‘Wag na ‘wag ilalagay ito sa ilalim ng init ng araw. Maaari itong makasira sa iyong sapatos.

  3. Pakintabin ang sapatos. Ang pagpa-polish ay maaaring makapagpabago sa itsura ng iyong sapatos. Ang shoe polish ay isa ring proteksyon mula sa pagkasira ng sapatos, lalo na kung palaging umuulan o nag-i-snow sa lugar na kinaroroonan. Katunayan, ang sikreto ng pagtagal ng sapatos ay nasa pagpa-polish lang ‘yan.

  4. Iimbak nang maayos. Ilagay muna ito sa isang kahon saka ito ilalagay sa loob ng iyong wardrobe. Maaari rin itong i-sort, ayon sa okasyon, kulay o dalas ng paggamit, para mas organisado. Kapag ito nama’y boots, ‘wag kalimutang maglagay ng suporta para hindi masira ang itsura nito.


Hayan, muli, kung gusto mo ng isang kagalang-galang na look ngayong taon, simulan mo muna ito sa wastong pangangalaga sa iyong sapatos.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section