4 na Epektibong Paraan Kung Paano Maiiwasan ang Stress

 Madalas, tayo ay “overwhelmed” sa trabaho. Hindi natin nabibigyan ng pagkakataon ang ating mga sarili ng sapat na pahinga.

Tuloy, may mga pagkakataong nagrereklamo na mismo ang ating sariling katawan. Mataas na BP, nahihilo, at nababalisa. Ang mga ito ay dulot ng stress sa katawan.


Kaya naman, kailangan mo rin namang mag-break. Kagaya ng isang makina, kailangan mo ring mamahinga.


Una, pwede kang manood ng mga nakatatawang bidyo / pelikula. Sa pamamagitan nito, naaalis ang iyong stress sa katawan sa pamamagitan ng pagtawa.


Ikalawa, mag-enroll sa isang Yoga class. Ang meditasyon ay higit na nakatutulong para manumbalik ang ating mga katawan at mas maging kampante sa pagharap sa mga bagong hamon na ating kakaharapin.


Ikatlo, mag-exercise. Dito, napapanatili ang ating healthy lifestyle. Naaayos rin nito ang ating paghinga na napakahalaga para malabanan ang mga sakit, kagaya ng depresyon o anxiety disorder. Ito, katunayan, ang isa sa pinakamabisang mga paraan para maiwasan ang stress.


Panghuli, at sa tingin ko ay pinakamabisa, bigyan ang sarili ng kahit mga limang minuto na wala kang ginagawa at wala kang iniisip. Kahit limang minuto lang. Sa tingin ko, sapat na iyon para maging handa na naman para sa susunod na araw.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section