Paano Paramihin ang Reach ng Photo Posts mo sa Facebook? (Para Mas Maraming Earnings)

Napansin mo ba na medyo kokonti lang ang reach ng PHOTOS na pino-post mo sa iyong profile -- na para bang walang nakakakita kahit marami ka namang friends o followers? 

Photo: Pixabay / planet_fox

Kung oo, para sa iyo itong post na ito.

Dito, tuturuan kita kung paano palakihin ang reach ng poto posts mo sa Facebook.

Ang sistema, hindi lang basta maganda ang mga pino-post mong photos, kailangan, optimized din dapat ang buong post mo.

Magandang balita, may mga tips mismo ang Facebook para rito.

TIP#1: ENGAGEMENT IS THE KEY

Ayon mismo kay Facebook, ang mga posts daw na may 3 percent interaction ay nakakakuha ng 284 percent MORE views.

Kaya, hindi sapat na nagpo-post ka lang, makipag-usap o engage ka rin sa audience mo. Mag-reply ka sa mga comments nila.

TIP#2: GUMAMIT NG HASHTAGS

Hindi kailangang gumamit ng maraming hashtags. Sapat na ang dalawa hanggang tatlo para mag-increase ang views mo around 23 percent.

Siyempre pa, gumamit ng hashtags na related sa pino-post mo talaga, hindi lang kung anu-ano.

TIP# 3: I-BUILD ANG MOMENTUM

Pagka-post mo, i-share agad ito sa iyong mga kakilala o sa groups. Dahil dito, maaari kang makakuha ng engagement sa unang dalawang araw pagka-post mo.

Napaka-helpful nito para i-push lalo ng algorithm ni Facebook ang iyong post sa mas maraming audience.

TIP #4: GUMAMIT NG ISANG PHOTO

Medyo guilty tayo rito, dahil madalas tayong nagpo-post ng multiple photos.

Pero, ayon mismo kay Facebook, mas nagpe-perform daw ang single, high-quality photo kumpara sa maramihan.

Dito raw, mas focused ang attention ng iyong audience.

TIP #5: MAGDAGDAG NG DETAILS SA CAPTION

Iwasan ang one-liner caption.

Magdagdag ng kuewnto, context, at explanation.

Dito, mas nare-retain mo ang attention ng readers.

TIP #6: IWASANG GUMAMIT NG ALL CAPS

Too many capital letters, mas distracting ang dating sa audience.

Mas mababa ang engagement nito dahil mas mahirap basahin.

TIP #7: MAGDAGDAG NG PERSONAL TOUCH

Mag-share ng iyong personal experience at feelings. Gumamit ka ng emojis.

Gamitin mo yung "feeling happy," "feeling emotional," "feeling hopeful," at iba pa na tool ni Facebook sa pagpo-post.

TIP #8: MAG-POST SA TAMANG ORAS

Ayon kay Facebook, pinakamagandang mag-post mula 11 PM hanggang 3 AM, dahil nagpe-perform ang mga ganitong posts sa ilang mga accounts (again, mula ito mismo kay Facebook).

Subukan mo ito next time at tingnan mo kung effective.

TIP #9: MAG-ADD NG LOCATION

Mas madaling ma-discover ang post mo kapag nag-add ka ng location, especially ng local audience.

TIP #10: KILALANIN MO ANG AUDIENCE MO

Ayon uli kay Facebook, nakakakuha ng +12 percent more views ang mga tech posts.

I-check mo kung ano ba talaga ang gusto ng mga followers mo.

Ibig sabihin nito, hindi lang basta random ang diskarte sa pagpo-post ng photos sa Facebook para magka-views at earnings.

Kinakailangan, may system, may strategy, at gawin ito sa tamang paraan... at naaayon sa gusto ni Facebook.

More views = more earnings!

I-share ang post na ito sa iyong mga kakilala.

Good luck!

ALSO, READ THIS POST: 

Facebook Monetization Update 2026: Longer Watch Time = More Earnings?

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section