Ang pagtakbo ang isa sa mga pinakamadaling exercise na maaaring gawin ng isang tao. Pero bukod pa rito, meron din pala itong mga iba pang benepisyo.
Photo: Pexels / Ketut Subiyanto
Pampabawas-stress – kung lagi ka na lang wala sa mood, maaaring ang pagtakbo ang maging sagot upang pataasin mo ang levels ng iyong happy hormones o endorphins.
Pagbaba ng risk ng breast cancer – isang pag-aaral na ginawa noong 2013 ang nagpakita na mahigit sa 70,000 babae na tumatakbo ng mahigit pitong oras kada linggo ay mayroong mas mababang risk ng pagkakaroon ng breast cancer kaysa sa mga babaeng hindi tumatakbo o gumagawa ng anumang physical exercise.
Mas matalas na isip – kung ayaw mong maging makalilimutin, isama mo sa iyong fitness regime ang pagtakbo kada linggo.
Mas mahabang buhay – napag-alaman sa pag-aaral na mas mahaba ng limang taon ang buhay ng mga taong tumatakbo ng mahigit lima hanggang 10 minuto kumpara sa mga taong hindi gumagawa nito.
