Mga Dahilan Kung Bakit Laging Napapagod at Nai-Stress

Maraming dahilan kung bakit napapagod ang tao. Pero naisip mo na ba kung ano ang mga partikular na rason kung bakit mabigat ang pakiramdam mo? Alamin ang mga dahilan kung bakit kadalasang nai-stress at napapagod ang tao upang ito ay iyong maiwasan, ayon sa mga eksperto.

Photo: Pexels / Nataliya Vaitkevich

Hindi ka nag-e-exercise – mas mabilis kang mapagod kapag hindi nagsi-circulate nang tama ang dugo mo sa katawan.

Kulang ka sa tubig – mahalaga ang tubig sa para mag-function nang maigi ang ating katawan.

Wala kang sapat na iron at vitamin B sa katawan – mag-supplement ng vitamin B-complex at iron upang mabawi ang lakas.

Masyado kang perfectionist – kung lagi mong kailangang ayusin ang isang bagay, mapapagod at mapapagod ka talaga kinalaunan.

Mapag-alala ka – lahat ng problema ay may solusyon; iwasan ang masyadong pag-iisip.

Hindi ka nag-a-almusal – ang pagkain ang nagsisilbing gasoline ng katawan, kung wala kang kinain, mas madali kang mapapagod, lalo na kung mabigat ang iyong trabaho.

Paborito mong kumain ng junk food.

Lagi kang umu-oo – minsan, kailangan mong humindi sa mga bagay na alam mong hindi mo na kayang gawin.

Walang pahinga – ang bakasyon ay para sa pahinga; hindi sa pagta-trabaho nang marami pang iba. Kung weekends naman, sikaping mag-relax at mag-recharge; matulog nang maaga.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section