Paano Bawasan ang Calories sa Iyong mga Iniinom

Kung gusto mong pumayat, dapat mong bawasan ang pagkain ng mga may mataas na calories. Pero hindi lang pagkain ang dapat mong isipin. Sa totoo lang, marami ring mga inuming mataas ang calorie content dahil sa mataas ang laman nitong asukal na hindi nakatutulong sa iyong katawan.

Photo: Pexels / Julia Zolotova

Alam mo ba:

* Ang mga sugar-sweetened drinks ang pangunahing pinagmumulan ng asukal o extra calories sa katawan.
* Ang regular can ng isang soda ay mga 10 kutsarita ng asukal at dagdag na 150 calories

Paano nga ba ito maiiwasan?


* Kung inumin din lang, pinakamainam piliin ang tubig. Kung gusto mo naman ng may flavor, maaari mo itong dagdagan ng lemon, lime, iba pang citrus fruits, o berries.

* Imbes na full-calorie soda, uminom na lang ng diet soda na mas kaunti ang caloric sweetwener.

* Kung gusto mo talaga ng inuming gaya  ng soda, i-try ang club soda, sparkling water, o seltzer. Pero siyempre, mas maiging puliin pa rin ang tubig kaysa sa mga ito.

Muli, kung gusto mong maging mas healthy o magbawas ng timbang, bawasan din ang calories sa iyong mga iniinom, hindi lang sa pagkain.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section