Maraming sakit na dala ang pagiging obese. Pero paano nga ba mabilis na makakapagbawas ng timbang ang isang tao? 
Photo: Pexels / www.kaboompics.com
Narito ang 11 paraan.
Magbago ng lifestyle – kahit na gaano pa kaganda ang diet at exercise routine mo para magbawas ng timbang, dapat mo pa ring disiplinahin ang sarili mo na magkaroon ng healthy lifestyle.
Iwasan ang fast food – imbes na kumain ng unhealthy fast food, magluto ng sariling pagkain para masiguradong mas healthy ito at naaayon para sa iyong katawan.
Iwasan ang asin – lalo na ang mga ma-asing pagkain, gaya ng junk food.
Gawin ang five-minute exercise – mag-exercise araw-araw sa pamamagitan ng paglalaan ng limang minuto para gawin ang mga simpleng exercise routine mapalabas o loob ng bahay.
Huwag magbisyo – iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak para sa mabisang pagbabawas ng timbang.
Tumakbo – kung maganda sa katawan ang paglalakad, mas mabisang pambawas timbang ang pagtakbo.
Moderation – laging sapat lang ang kainin; iwasan ang mga ‘extra-large’ servings ng pagkain.
Mag-dessert – huwag takamin ang sarili, maaaring mag-dessert ngunit siguraduhing sapat lang upang mawala ang iyong cravings.
Matulog nang tama sa oras – ang pagpupuyat ang isa sa mga rason ng binge eating.
Uminom ng tubig – nakatutulong ito upang mas pabilisin ang iyong metabolism.
Kumain ng mas maraming gulay at prutas.
Sa pamamagitan ng mga pamamaraang ito, mas mapapabilis ang pagbabawas ng timbang tungo sa mas healthy na pamumuhay. Kaya mo 'to!
