Tipid Kuryente Tips na Epektibo

Sa dumaraming bilang ng mga tao sa buong mundo na sumusuporta sa "green living movement," isang praktikal na bagay kapag nagtitipid sa koryente na nakakatulong sa kapaligiran, pati na sa iyong bulsa.

Photo: Pexels / Anastasia Shuraeve

Kaya marapat lamang na matuto kung papaano makakatipid sa koryente. Naririto't basahin mo ang mga epektibong tips na ito:

 

Tip #1: Gumamit ng mga energy-efficient na appliances

 

Araw-araw, malaki ang enerhiyang nakokonsumo ng mga appliances. Kaya naman, malaking bagay kung ikonsidera ang paggamit ng mga energy-efficient na mga appliances. Ayon sa organisasyong Greenpeace, tinatayang 2-10 times na mas tipid ang mga energy-efficient appliances kaysa sa iba. Mangyaring tingnan ang mga label ng binibiling appliances o 'di naman kaya ay magtanung-tanong sa mismong sales officers.

 

Tip #2: Gumamit ng fluorescent bulbs

 

Ayon sa isang pananaliksik, tinatayang 10 taon ang itinatagal ng bulbs na ito. Gayundin, malayong mas tipid ito sa nakokonsumong enerhiya. Kaya naman, malaking tipid kapag pinalitan ang lahat ng mga ilaw ng fluorescent bulbs. Tipid na, nakakatulong ka pa sa kapaligiran.

 

Tip #3: Gumamit ng blinds o kurtina

 

Maaaring gumamit ng blinds o kurtina para maiwasan ang pagpasok ng init ng araw sa loob ng tahanan, lalung-lalo na 'pag panahon ng tag-araw. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang sobra-sobrang paggamit ng air-conditioning system na nagbubunsod sa pagtaas ng bill sa kuryente.

 

Tip #4: Alisin ang saksakan ng mga hindi ginagamit na appliances

 

Ang kalimitang nakakalimutang alising saksakan ay ang sa mga radyo, telebisyon at kompyuter / printer. Ang mga ito ay kumokonsumo pa rin kasi ng koryente, kahit na hindi ginagamit basta iniwanang nakasaksak. Iwas-sunog pa ang gawaing ito.

 

Marami-rami pang mga pamamaraan para maging energy-efficient. Tandaan: malaki ang epekto ng pagtitipid sa koryente sa iyong bulsa at, siyempre, sa pag-iwas sa pagkasira ng kapaligiran.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section