Maraming magulang ang nahihirapang maging malapit sa kanilang mga anak dahil sa pagiging abala. Narito ang ilang epektibong paraan upang mas mapalalim ang ugnayan ng magulang at anak:
Photo: Dave Calpito
- Magbasa o makipagkuwentuhan sa iyong anak bago matulog. Bukod sa napapalapit kayo sa isa’t isa, nakatutulong din ito sa kanilang pagkatuto.
- Huwag kalimutang purihin at disiplinahin ang iyong anak. Purihin sila sa magagandang ginawa at gabayan sila upang maitama ang kanilang mga pagkakamali.
- Isama ang iyong mga anak sa paggawa ng ilang desisyon. Tanungin sila kung ano ang gusto nilang kainin, puntahan, o gawin.
- Kumain nang sabay-sabay. Ayon sa mga eksperto, nakatutulong ito hindi lamang sa healthy eating habits kundi pati sa pagpapatibay ng samahan ng pamilya.
- Mag-ehersisyo nang magkakasama. Tulad ng sabayang pagkain, mas napapalapit ang pamilya kapag sama-samang aktibo.
- Samahan ang iyong mga anak sa kanilang paboritong sports o hobby. Mas nagiging malapit ang samahan kapag may pareho kayong interes.
- Tulungan ang iyong anak sa paggawa ng homework. Sa ganitong paraan, nasusubaybayan mo ang kanilang pag-unlad sa paaralan at nadaragdagan pa ang kanilang kumpiyansa.
