Marami sa atin ang nagnanais na maging mas produktibo. Naririto ang ilang magandang habits na pwede nating gawin:
Photo: Pexels / Cara Denison
1. Tanggalin ang bisyo sa paninigarilyo.
Marami ang nulululong sa bisyong ito. Maraming mga dahilan kung bakit naninigarilyo ang isang tao. Kailangang magdesisyong burahin ang habit na ito, sapagkat bukod sa sakit na makukuha natin mula rito, nakakaapekto rin ito sa ibang tao. Ang mga bata, halimbawa, na nakakalanghap ng usok ng sigarilyo ay maaring maapektuhan at magkaroon ng sakit. Magpatulong sa eksperto kung kinakailangan upang magabayan kang mawala sa sistema mo ang paninigarilyo.
2. Magsimula ng isang negosyo.
Ang pagsisimula ng negosyo ay hindi laging nangangailangan ng malaking kapital; may mga negosyo na pwedeng simulan sa maliit na halaga lamang. Isa sa mga pwedeng gawing negosyo ay ang buy-and-sell ng handicrafts. Mas maigi kung ang negosyong papasukin mo ay pasok sa iyong interes. Kapag kumita, paikutin itong muli.
3.Gumising nang mas maaga at maglakad-lakad.
Maraming benepisyo ang habit na ito. Ang mga taong hindi nasisikatan ng araw nang tama ay nagiging mas malungkutin o depressed. Upang maiwasan ito, magandang sanayin ang sarili na gumising nang maaga, maglakad-lakad at magpa-araw.
Piliing mas maging produktibo tungo sa mas magandang kalusugan.
