Gusto mo bang magtrabaho abroad? Good news ay mayroong programa ang Philippine government na nag-o-offer ng FREE online learning platform, kung saan maaaring mag-take ng skills training courses anytime, anywhere.
Naka-focused ang training sa job-ready skills na kakailanganin ng isang indibidwal kapag gustong magtrabaho sa mga areas na kagaya ng Caregiving, Hospitality, Agriculture, Electrical, at iba pa -- sa Pilipinas man o abroad.
Bakit Malaki ang Tulong ng e-TESDA Kapag Gustong Magtrabaho Abroad
Kapag nag-take ng free TESDA online courses sa e-TESDA o TESDA Online Program, maaari mong ilagay ang mga skills na natutunan mo sa iyong resume.
Kapag natapos mo ang online courses, makakatulong din ito sa iyo para ma-qualify sa TESDA assessment (NC II), na kadalasang requirement kung nag-a-apply ng trabaho abroad, kagaya ng domestic work, caregiving, at iba pa.
Siyempre, magbibigay din ito ng advantage sa iyo sa interview, dahil makikita ng employer na may training knowledge ka sa pinapasukan mong trabaho, at may confidence ka ring isagawa ito.
Mas pinapaboran din ng employers ang mga applicants na may formal certification at skills training.
Paano Mag-Enroll Sa TESDA Online Courses
Para simulan ang iyong free online training sa e-TESDA, naririto ang steps na dapat mong sundan:
1) Pumunta lang sa e-tesda.gov.ph
2) Mag-create ng account at i-verify ito through your email.
3) Pumili ng course na gusto mo under the Courses tab.
4) Enroll for free.
5) Pwede mo nang simulan ang iyong online learning anytime, na hawak mo ang sarili mong schedule.
Paano Kunin ang NC II
Pagkatapos mo sa TESDA training (online man o sa pamamagitan ng accredited school), mag-apply lang para sa competency assessment sa TESDA-accredited center na malapit sa iyo.
Ipasa ang practical at written assessment. Kunin ang iyong National Certificate (NC II), na recognized ng employers, sa Pilipinas man o abroad, especially, sa housekeeping, caregiving, at iba pa. Isa ito sa common requirements para ma-deploy sa trabaho. Ito ay valuable proof na nakapag-training ka at nasa iyo ang skills na hinahanap nila.
Kung hindi mo pa nasisimulan, mag-e-TESDA ka na. Libre na, useful pa, lalo na kapag balak mong magtrabaho abroad. Good luck, kabayan!

