Panalo bilang Miss Philippines Earth 2026 si Rina Andrea Delos Santos ng Ballesteros, Cagayan.
![]() |
| Photo: Rina Andrea Delos Santos / Facebook |
Tinalo ni Delos Santos ang iba pang 31 na mga kalahok sa nasabing national pageant na isinagawa sa Malitbog Cultural Center sa Malitbog, Bukidnon nitong Sabado ng gabi, Hunyo 27.
Tumatak ang sagot ni Delos Santos sa final question and answer ng kumpetisyon.
"As a community tour guide, I am not just ready for the crown, but I am ready for the environmental and global responsibility that comes with it," ika niya.
"I guided every single day in working towards putting the Philippines in a position that is not just a model of sustainability and environmental stewardship, but also a destination of beauty. And for me, that is exactly what love and action is. Remember, love changes nothing unless it moves, and when it moves, it truly changes everything. Thank you."
Buo naman ang suporta ng munisipalidad ng Ballesteros na nagsagawa pa ng public viewing sa mismong harap ng municipal hall na dinaluhan ng supporters ng beauty queen.
"Grabe! This is so deserving. Rina, you're so passionate! Ang galing!" ika naman ni Reybert Quirolgico, ang municipal Tourism Officer ng Ballesteros matapos ang pagkakapanalo ni delos Santos.
Ang pambato rin ng Ballesteros, Cagayan ang nakakuha ng Miss Hanna Shampoo special award, ang major sponsor ng kumpetisyon ngayong taon.
Susubukang sungkitin ni Delos Santos ang ika-limang korona para sa Pilipinas sa 2026 Miss Earth pageant.
Naririto ang iba pang mga nagwagi sa nasabing beauty pageant: Prima Joy Alamban ng Tumauini, Isabela para sa Miss Philippines-Air, Alyssa Mildred VillariƱa ng Mandaluyong City para sa Miss Philippines-Water, Patricia Anne Nicole Bangug ng Agoo, La Union para sa Miss Philippines-Fire, at Roveelaine Eve Castillo ng Siocon, Zamboanga del Norte naman para sa Miss Philippines-Ecotourism.

