Ang pagiging makakalimutin ang isa sa mga madalas na problema ng mga tao, may edad man o hindi. Kung nagkakaroon ka ng ganitong problema, muling patalasin ang iyong memorya sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
![]() |
| Photo: RobinHiggins / Pixabay |
- Ilista ang kailangang gawin sa araw-araw. Ang listahang ito ay iyong magiging paalala para sa mga dapat gawin na maaari mong makalimutan. Siguraduhing nasa lugar na madali mong makuha ang listahan upang hindi mo ito makalimutan.
- Sumagot ng ilang puzzle. Ang ilang mga puzzle at math problems ay makakatulong upang mapabilis ang pagtakbo ng iyong utak at mapigilan ang pagiging makakalimutin. Maski mga simpleng mga tanong lang sa pagkuwenta ay makakatulong sa pagpapatalas ng memorya.
- Kontrolin ang bisyo. Ang pag-iwas sa bisyo, gaya ng pag-inom ng alak at paninigarilyo, ay epektibo para sa pagpapabuti ng memorya.
- Mag-ehersisyo. Ang mga ehersisyo ay makakatulong upang pagbutihin ang daloy ng oxygen sa utak na siyang nagsasaayos ng mga proseso sa utak at nakatutulong sa pagpapabuti sa iyong memorya.
Sundan ang mga tips na ito para mapatalas ang iyong memorya.

