Mga Paraan Para Magkaroon ng Masayang Pamilya

Ni: Dave Calpito

Pangarap mo bang magkaroon ng masayang pamilya? Kung gano’n, kailangang ikonsidera ang mga sumusunod na tips nang magtagumpay:


Magplano ng ‘family vacation’

Masaya ang pagbabakasyon, lalo na kung kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay. Sa mga pagkkakataong ganito, ‘wag dalhin ang  mga trabaho para makapag-pokus ka sa pakikipag-bonding sa pamilya.

Photo by Yulianto Poitier from Pexels

Bumuo ng tradisyon


Hindi mahalaga kung tradisyong ginagawa na rin ito ng ibang pamilya, ang mahalaga ay mayroon kayong ginagawang mas makakapag-develop pa sa ‘bond’ ninyong magkakapamilya. Ang simpleng pagpunta sa parke tuwing weekend para mag-jogging o mg-picnic ay malaking bagay na para mapalalim pang lalo ang respeto at pagmamahal sa bawat isa.


Bumuo ng sariling ‘group’ sa social media


Sa pamamagitan ng isang Facebook group, halimbawa, na nakalaan lamang sa inyong pamilya ay mas iigting ang komunikasyon sa bawat isa, lalo na kapag malayo sa isa’t isa pagdating sa lokasyong kinaroroonan. Ang simpleng pagpo-post ng larawan doon na nagsasabing miss na miss mo na silang lahat ay malaki nang bagay para maging masaya ang bawat isa.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section