Paano Gumawa ng Balita: Kahalagahan ng Paglalagay ng Quotes sa News Report

Ni Dave Calpito

Isa sa mga mahahahalagang aspeto at hakbang kung paano gumawa ng news report ay ang paglalagay ng "quotes" -- ito yung mga direct statements o opinyon galing sa mga indibidwal na involved sa istorya. 

pano magsulat ng balita

Importansiya ng Quotes sa News Articles

Maraming mga kahalagahan kung bakit ka dapat maglagay ng quotes sa loob ng iyong balita.

1. Credibility -- Nakadaragdag kasi ng credibility sa iyong artikulo kung naglalangkap ka ng quotes mula sa credible sources na involved sa iyong news article, kagaya na lang halimbawa ng mga eyewitness, official, o eksperto. Ipinapakita rin nito na base sa reliable sources ang mga impormasyong nakalagay sa iyong news article.

2. Nakadaragdag ng authenticity at accuracy sa iyong news report -- Dahil nagdaragdag ka ng mga direct statement o direct information galing sa mga tao sa iyong istorya, nakakakuha ka rin ng firsthand information na mahalaga para mas papaniwalaan ang iyong artikulo.

3. Nakapagdaragdag ng kulay at lalim sa iyong news article -- Kadalasan, kung nasa kumpetisyon ka, halimbawa, ang hinahanap ng mga hurado ay ang lalim at kulay ng iyong istorya. At, ang quotes, na nakapagbibigay ng karagdagang mga specific detail at personal anecdotes ng mga taong involved ay mas nakatutulong para ma-achieve itong aspetong ito sa iyong balita.

4. Mas nagagawa nitong engaging ang iyong istorya -- Kumbaga, nakadaragdag ang boses ng mga apektadong indibidwal sa isang event, halimbawa isang kalamidad, nng human interest sa kabuuan ng istorya, gayundin ng emotional connection sa mga mambabasa. Resulta nito, mas nahihikayat ang mga mambabasa na tapusin ang iyong buong news report.

5. Nagpapakita ng balanseng pag-handle sa isang news topic -- Ang paglalagay ng quotes o opinions mula sa mga indibidwal sa iba-ibang perspectives o stakeholders ay nagpapakita ng balanseng pagtalakay sa isang topic na isang mahalagang tinitingnan sa isang balita.

Techniques sa Paglalagay ng Quotes sa News Article

Sundin ang mga sumununod na tqchniques sa paglalagay ng quotes sa loob ng iyong balita:

1. Magbigay muna ng pagkakakilanlan ng speaker at ilagay din kung bakit siya konektado sa iyong istorya. 

Halimbawa: Ayon kay Juan Dela Cruz, eyewitness sa nasabing insidente at lokal na residente ng lugar, "Dinig na dinig ang hiyaw ng mga biktima habang lumulubog ang barko."

2. Mahalaga ring maglagay muna ng konteksto o background information para mas maintindihan ng readers ang kahalagahan ng quote sa istorya.

Halimbawa: Kaugnay ng pagsusuot ng mask sa publiko, nagpaalala si Health Secretary Pedro Dela Cruz na, "Kailangang sundin ng publiko ang polisiya para sa ikabubuti ng nakararami."

3. Magandang technique din na pumili ng isang linya mula sa mahabang quote mula sa speaker na sa tingin mo ay may malaking impact. Kung hindi naman gaanong mahalaga ang ibang mga detalye, huwag mo nang ilagay.

4. Gumamit ng tamang quotation at bantas sa paglalagay ng quote. Pansinin ang halimbawa sa ibaba, inilalagay ang comma sa loob ng quotation marks.

Halimbawa: "Nakakakilabot ang hiyaw ng mga tao sa loob ng building habang lumalakas ang apoy," ika ni Juan Perez, residente ng lugar at saksi sa insidente.

5. Gumamit din ng variation. Bukod sa "sabi ni," maigi kung hindi mo ito paulit-ulit na gamitin sa loob ng iyong article. Maaari kang gumamit halimbawa ng mga sumusunod: "ani, aniya, ika ni, dagdag niya."

6. Dapat "smooth o seamless" ang paglalangkap ng quotes sa iyong naratibo. Maglagay ka muna ng konteksto bago ka maglagay ng direct quote. Timplahin ang paghalo ng quote sa iyong artikulo, hindi para may mailagay ka lang na quote. Isipin din ang koneksyon nito sa kabuuan ng istorya at timbangin kung makatutulong ba itong palalimin o pagandahin ang kabuuan ng iyong istorya.

7. Isa pa, kung nabanggit mo na ang pangalan ng indibidwal sa itaas ng iyong news report, huwag mo na itong ulitin pa sa ibaba. Ilagay na lang ang apelido ng speaker, bukod na lang kung magkaapelido ang dalawang source ng iyong quotes sa iyong istorya.

Sa kabuuan, mahalagang maglagay ng quotes sa isang news article sapagkat hindi lang nito ginagawang mas informative at malalim ang iyong news report, kundi mas engaging din sa iyong readers. Kaya, kung gusto mo pang lumalim ang iyong kaalaman kung paano gumawa ng news article Tagalog, naririto ang kumpletong hakbang

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section