Ni Dave Calpito
Isa sa deciding factors ng mambabasa kung ipagpapatuloy ba niyang tapusin ang isang balita o hindi ay ang pagbabasa, hindi lamang ng headline o titulo ng balita, kundi ang lead (lede) o opening sentence ng iyong artikulo. Kadalasan, ito rin ang pinagbabasehan ng isang hurado sa news writing competition kapag namimili ng mananalo sa kumpetisyon.
Sa post na ito, matututunan mo ang iba't ibang mga uri ng lead ng balita, paano sulatin ang mga ito, at ilang mga halimbawa, para mas lalo kang matututo sa pagsusulat ng balita.
Ano nga ba ang lead or lede ng balita?
Para sa mga hindi pa nakakaalam, ang lead ay ang introductory part ng isang balita. Sa bahaging ito ng artikulo, mababasa o makikita ang buod ng mga importanteng pangyayari sa iyong istorya. Ang silbi ng lead paragraph sa isang balita: una, magbigay ng pinaka-importanteng mga detalye ng balita, o 'di naman kaya, hikayatin ang mambabasa na tapusin ang pagbabasa ng buong istorya.
Excited ka na bang matuto ng iba't ibang mga uri ng lead?
Iba't Ibang Uri ng Lead at Ilang mga Halimbawa
1. Summary Lead -- Unahin natin, siyempre, ang pinaka-komon na uri ng lead. Ang summary lead ay nagbibigay ng maiksing overview ng kabuuan ng istorya, sa pamamagitan ng pagbibigay ng 5Ws at 1H ng istorya sa una o/at ikalawang mga pangungusap ng balita. Ito ang paglalahad ng Who, What, Where, When, Why, at How ng istorya sa mga mambabasa.
Basahin ang halimbawa sa ibaba:
Limang katao ang nasawi, kabilang ang crew, sa isang plane crash sanhi ng malakas na hangin sa baybayin ng Ballesteros, Cagayan kaninang umaga.
Sa halimbawa sa itaas, malalaman na agad ng mambabasa kung tungkol saan ang balita, dahil sa pagbibigay ng pinakamahahalagang detalye ng balita.
Ito pa ang isang halimbawa:
Itinanghal na kampeon ang isang mag-aaral sa Grade 5 ng Masipag Elementary School - Makati City Division sa isang Internation Speech competition nitong Setyembre 5 sa Calgary, Canada.
Sa lahat ng mga uri ng lead, ang summary lead ang pinakamadali. Ito rin ang pinaka-tradisyunal na uri ng balita na ginagamit ng maraming news writers.
2. Quotation Lead -- kung mayroong powerful o impactful quote na sinabi ang subject o key individual ng iyong balita, base sa isang panayam o talumpati, maiging gamitin ang quotation lead. Ang statement na ito ng iyong credible source ang bumubuod sa esensiya ng buong balita. Kapag kontrobersiyal din ang statement ng iyong source, ito ang pinakamagandang gamitin sa iyong balita.
Halimbawa:
"The true winners of this election are my constituents who inspire and drive every decision I make." Ito ang pangunahing pahayag ni Juan dela Cruz, ang bagong-halal na Gobernador ng Bulacan, sa isinagawang announcement ceremony sa Araneta Coliseum, Oktubre 5.
3. Descriptive Lead -- ang uri naman ng lead na ito ay nagbibigay ng detalyadong mga impormasyon na nagpapahayag ng malinaw na deskripsiyon ng pangyayari sa mambabasa. Gumagamit ang manunulat dito ng mga imahen at descriptive language para mas maiparamdam sa mga mambabasa ang aksiyon o mga pangyayari sa isang news event.
Ito ang isang magandang halimbawa:
Nakakasulasok ang amoy, napakadilim ng paligid, at nakabibingi ang mga mga iyak. Ganito ilarawan ng mga responder ang eksena sa isang gumuhong gusali sa Manda City matapos manalasa ang isang 7.5-magnitude na lindol nitong madaling araw ng Linggo.''
Napaka-epektibo ng uri ng lead na ito, sapagkat naipaparamdam nito ang mismong eksenang naganap sa mga mambabasa nito. Tandaan lamang na dapat ay manatiling maging totoo sa iyong pagbabalita at pagbibigay ng deskripsiyon. Siguraduhing galing mismo ang nasabing paglalarawan mula sa mga salita ng iyong subject.
4. Question Lead -- Ang uri ng lead na ito ay nasa porma ng tanong at may layuning kunin ang interest ng mambabasa para basahin ang kasagutan ng tanong sa katawan ng istorya. Gamitin ang uri ng lead na ito kung ang tanong ay nakaka-intriga. Kadalasan nating nakikita ang lead na ito kapag may bagong-pasang batas halimbawa na kontrobersiyal.
"Will the recently enacted education reform law revolutionize the way we approach learning and development in schools nationwide?" Ito ang pinaka-komon na katanungan ng mga educators at principal na lumahok sa isang Education Summit sa Dela Cruz Hall sa Makati City, Oktubre 5.
Siguraduhin lang na kasunod ng tanong ay sundan mo ito ng tinatawag na nut graph na nasa pormang Summary Lead na magbibigay ng konteksto sa buong istorya.
Isa pang halimbawa:
Can a Grade 6 student from Quezon City's Matanda Elementary School outperform students from the country's top private schools? This question emerges when a student gets a seat in the grand final round of the 2023 National Quiz Bee Competition, a stage dominated by finalists from prestigious private educational institutions, which will be held in Olongapo City on September 2.
5. Punch Lead -- ang pangunahing layunin ng manunulat kung ginagamit niya ang punch lead ay gumawa ng "impactful" na panimula sa kaniyang balita nang sa gayon ay pukawin ang atensiyon ng mambabasa para basahin ang buong balita o tapusin ang pagbabasa ng artikulo. Kadalasan, maiksi lang ang lead na ito, ngunit nagse-set ng tono ng buong artkulo. Siguraduhin ding pagkatapos ng punch lead ay sundan ito ng nut graph o buod ng istorya na nagbibigay ng konteksto sa panimulang pangungusap.
Tingnan naman natin ang halimbawa sa ibaba:
Masayang selebrasyong nauwi sa trahedya. Ito ay matapos malnod ang isang bata sa pool ng isang sikat na private resort sa Batangas City nitong Linggo ng umaga.
Ang "Masayang selebrasyong nauwi sa trahedya" ay ang punch lead at ang sumusunod naman na pangungusap ang tinatawag na nut graph.
Isa pang halimbawa:
Talo ng public school ang private schools sa Pilipinas. Ito ang pinatunayan ng isang Grade 6 student mula Matanda Elementary School sa Quezon City matapos siyang itanghal na grand champion sa 2023 National Quiz Bee Competition na isinagawa sa Olongapo City, September 2.
Ilan lamang ang mga nabanggit sa itaas na mga halimbawa ng lead o pamatnubay na pangungusap sa isang balita. Nawa ay nakatulong ang artikulong ito para mas lalo mong matutunang magsulat ng balita. Tandaan na para manalo sa kumpetisyon, hindi lang dapat malakas ang iyong headline at lead, dapat ding maging consistent sa iba pang bahagi ng iyong balita -- totoo, gumagamit ng simple at madaling intindihing mga salita at pangungusap, tama ang gramatika, gumagamit ng quotation mula sa iyong source, at marami pang iba. Matututunan mo ito sa isa pa naming step-by-step guide kung paano magsulat ng balita.