Paano Gumawa ng Balita: Top Tips Para Gumawa ng Epektibong News Headlines

Kapag ikaw ay sumasali sa kumpetisyon sa paggawa ng balita, o 'di kaya ay nag-aaral kung paano gumawa ng news report, dapat mong malaman na isa sa pinaka-importanteng pagtuunan ng pansin ay kung paano gumawa ng epektibong headline o ulo ng balita.

Naririto ang top tips para siguradong agaw-pansin ang iyong headline ang masiguro ang pagkakapanalo:

1) Mas maiksi, mas maganda. Hangga't maaari, gawing maiksi ang iyong headline. Mas maigi kung ang headline mo ay mas mababa sa 70 characters.

2) Gumamit ng action words. Mas malakas ang iyong headline kung langkapan mo ito ng active verbs para mas maging dynamic ito.

3) Iwasang gumamit ng jargon. Mas maigi kung gumamit ng mga salitang mas madaling maintindihan ng iyong mambabasa.

4) Ituon ang atensiyon sa tono ng iyong headline. Dapat itugma ito sa tono ng kabuuan ng iyong artikulo.

5) Gumamit ng mga numero. Mas maigi kung may statistics o numbers na nakikita, halimbawa, ang mga hurado sa iyong headline. 

6) Tama ang gramatika. Dapat tama ang capitalization, wasto ang spelling, at tama rin ang mga bantas na gagamitin.

7) Iwasan ang clickbait o deceptive headlines. Huwag i-mislead ang mga mambabasa.

8) Siguraduhin ang accuracy ng mga impormasyon. Matutong i-fact check ang mga impormasyon.

9) Gumawa ng iba-ibang mga bersyon. Dito, makikita mo kung alin sa mga ginawa mong headlines ang pinaka-epektibo.

10) Ipokus ang atensiyon sa emosyon. Piliin ang bersyon ng headline na gumagamit ng mga salitang nagti-tigger sa curiosity ng hurado o mambabasa. Subukang magbasa ng mga balita at maglista ng mga salitang may impact o malalakas ang dating. Mas maaksiyon, mas maganda.

Sa pamamagitan ng mga tips sa itaas kung paano magsulat ng balita, mas magkakaroon ka ng tiyansang manalo sa iyong sasalihang kumpetisyon.

Basahin din ang aming step-by-step guide kung paano gumawa ng balita sa Filipino.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section