Lemon Water: Pampabawas ng Timbang

Ni: Dave Calpito

Pagbabawas ng timbang ang isa sa pinakamahirap na fitness challenges na haharapin ng isang tao. Bukod sa hindi pagkain nang wasto, ang pag-inom ng mga inumin na maraming asukal ay nakakadagdag din sa timbang ng isang tao.

Photo by Julia Zolotova from Pexels

Isang magandang alternatibo upang mas mapadali ang pagbabawas ng timbang ay ang pag-inom ng lemon water. 

Ilang mga eksperto ang nagrekomenda ng kagandahan ng lemon sa katawan. Ito ay may may detoxifying components na nagpapalabas ng mga dumi na naiipon sa katawan na dala ng polusyon at hindi wastong pagkain.  Bukod dito ay mayroon din itong kakayahan na magpabilis ng pagtunaw ng mga taba sa katawan, na siyang makakatulong sa pagbabawas ng timbang.

 

Sa mga taong mahilig uminom ng mga matatamis na inumin, maaaring palitan ang mga inuming ito ng lemon water. Magbabad ng hiniwang lemon sa isang pitsel, ilagay sa ref magdamag at hayaang humalo ang katas ng lemon sa tubig, at inumin kinabukasan. Hindi lang masarap ang inuming ito, mapipigilan din ang mga tao sa pag-inom ng mga inumin na nakakadagdag ng timbang.


Post a Comment

1 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.
  1. Casino Games - Mapyro
    › Games 이천 출장안마 › Games 6 days ago — 6 days ago Casinos. 제주 출장안마 Casinos. Casino Games. A huge range of online slots, jackpots and live 충청남도 출장마사지 dealer games await 경상북도 출장마사지 you. Here at Mapyro, we offer a large collection of 경산 출장샵

    ReplyDelete

Top Post Ad

Below Post Ad

In Ads Section